DFA, ititigil na ang operasyon ng dalawang Temporary Off-site Passport Services (TOPS) nito sa Taguig City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ititigil na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang operasyon ng dalawang Temporary Off-site Passport Services o TOPS nito sa Taguig City.

Ayon sa DFA Office of Consular Affairs, magsasara ang TOPS sa DoubleDragon Plaza at Uptown Mall sa Taguig simula ika-31 ng Disyembre, 2024.

Ang mga apektadong aplikante mula sa nasabing mga pasilidad ay maaaring magtungo sa DFA-OCA Aseana sa Parañaque City, simula ika-23 ng Disyembre, mula 8:00 AM hanggang 4:00 PM, Lunes hanggang Biyernes, maliban kung pista opisyal, o may anunsyo ng suspensyon ng trabaho.

Para sa karagdagang impormasyon o agarang mga tanong, maaaring makipag-ugnayan sa DFA, sa pamamagitan ng email na [email protected] o [email protected]. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us