Inatasan na ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang local government units na maghigpit sa mga paputok at iba pang pyrotechnics sa pagsalubong sa bagong taon.
Nanawagan si Remulla sa mga LGU na maglabas ng mga ordinansa at iba pang regulasyon na nagbabawal sa publiko.
Dapat din aniyang higpitan ng mga LGU ang paggamit ng paputok sa mga community fireworks display places.
Inatasan din ng kalihim ang Bureau of Fire Protection na tiyakin na ligtas ang mga fire exhibition safe zone.
Maging ang Philippine National Police ay dapat magsagawa ng inspeksyon, pagkumpiska, at pagsira sa mga ilegal na paputok at pyrotechnic devices.
Umapela din ang kalihim sa publiko na iwasan ang paggamit ng ilegal at mga mapanganib na mga paputok. | ulat ni Rey Ferrer