DILG, pinaghahanda pa rin ang publiko sa kabila ng pagbaba ng bilang ng pagyanig sa Manila Trench

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na pinakikilos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) sa Regions I, II, III, IV-A, at IV-B para paghandaan ang anumang posibilidad ng pagyanig at tsunami.

Ito’y kahit pa bumaba na ang naitalang mga pagyanig sa Manila Trench.

Inabisuhan ng DILG ang local chief executives (LCEs) na maglatag ng mga paghahanda sa posibleng intensification pa rin ng earthquake sequence sa Manila Trench.

Kabilang dito ang pag-convene ng Local Disaster Risk Reduction and Management Councils, pagsasagasa ng Pre-Disaster Risk Assessments, at early and critical preparedness measures batay na rin sa Operation L!STO manuals.

Pinatutukoy na rin ang mga evacuation routes, directional signs, at safe zones para sa at-risk communities, at gayundin ang mga response teams.

Pinatitiyak ding may naka-pre-position nang sapat na pagkain, temporary shelters, at debris-clearing equipment.

Pinayuhan din ang LGUs na aktibong makipag-ugnayan sa regional at provincial DRRMCs, PHIVOLCS, para sa risk assessments, at public awareness campaigns.

Maging ang publiko ay inalerto na rin lalo ang mga nakatira sa coastal communities, para agad na matukoy kung may banta ng tsunami. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us