Ikinalungkot ng Department of Migrant Workers (DMW) ang malagim na pagkamatay ng dalawang Overseas Filipino Worker dahil sa sunog sa Al Adan, Kuwait noong Disyembre 2, 2024.
Sa ulat ni Labor Attaché Manuel Dimaano ng DMW Migrant Workers Office (MWO) sa Kuwait, namatay ang dalawang OFW dahil sa pagkalanghap ng toxic gases mula sa sunog.
Tiniyak ng Migrant Workers Office ang pag-asikaso sa legal procedures at tinutugunan ang mga concern may kaugnayan sa insidente.
Pinapadali din nito ang pagproseso ng mga dokumento para sa pagpapauwi ng mga labi ng dalawa sa Pilipinas.
Samantala, nagpaabot na ng tulong pinansyal ang DMW at Overseas Filipino Workers (OFWs) sa naiwang pamilya ng dalawang pamilya sa Capiz.
Kasabay nito ang pagpaabot ng taos-pusong pakikiramay sa mga nagdadalamhating pamilya at tinitiyak sa kanila ang buong suporta ng ahensya.| ulat ni Rey Ferrer