Inihayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr. na nalampasan ng bansa ang mga mabibigat na pagsubok ngayong taon.
Kabilang dito ang mga kalamidad at ang mga banta sa soberanya at integridad ng teritoryo ng bansa.
Sa kaniyang mensahe para sa Bagong Taon, biniyang diin ni Secretary Teodoro ang katatagan at pagkakaisa ng mga Pilipino sa harap ng mga hamon ngayong taon.
Ipinagmalaki rin ng kalihim ang dedikasyon ng mga sundalo, opisyal ng civil defense, at mga first responder sa pagtugon sa mga kalamidad. Pinuri rin niya ang matatag na defense partnership at suporta ng pamahalaan.
Nagpaabot naman ng pagbati ang Department of National Defense sa lahat ng pamilyang Pilipino ngayong Bagong Taon. | ulat ni Diane Lear