Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng sambayanang Pilipino na posibleng hindi mabayaran ang kanilang hospital bills sa susunod na taon.
Kasunod ito ng ginawang pagtanggi ng Kongreso, na bigyan ng subsidize budget ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth sa ilalim ng 2025 Proposed General Appropriations Bill.
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, hindi totoo na nawalan ng pondo ang PhilHealth matapos magdesisyon ang mga mambabatas na gawing zero budget ang PhilHealth.
Sabi ni Herbosa, nasa mahigit P290 billion ang reserve fund ng PhilHealth at kaya nitong pondohan ang hospital bills ng mga Pilipino.
Ang paglilinaw ay ginawa ni Herbosa, matapos umano ang kaliwat-kanan na batikos sa Kongreso dahil hindi nilagyan ng pondo ang PhilHealth. | ulat ni Michael Rogas