Tiniyak ng Department of Labor and Employment na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang pagbibigay ng trabaho sa mga manggagawa na naapektuhan ng pagsasara ng mga Philippine Offshore Gaming Operations sa bansa.
Ayon kay DOLE Sec. Bienvenido Laguesma, hindi sila tumitigil sa pagsasagawa ng mga Jobs Fair para tulungan ang mga naapektuhan ng crackdown ng mga POGO hub sa bansa.
Katunayan, mayroong bagong schedule ng Jobs Fair sa Binan City Laguna para sa mga nawalan ng trabaho.
Sabi nya, mula Enero hanggang November 2024 ay mayroong 2 milyong mga vacant jobs sa portal ng DOLE sa pakikipag-ugnayan nila sa mga private companies.
Sa tala ng Kagawaran, mayroong mahigit 30 libo na mga manggagawa ang naapektuhan ng pagpapasara sa mga POGO hub matapos itong sipag-utos no Pang. Bongbong Marcos Jr. | ulat ni Michael Rogas