Inilibot ng Department of Tourism (DOT) ang ilang Fil-Am Hollywood filmmakers sa mga makasaysayang lugar sa Maynila sa pamamagitan ng isang heritage tour kasabay ng pagsasaggawa ng Manila International Film Festival (MIFF) nitong linggo.
Kabilang sa mga filmmaker na sumama sa tour sina Lisa Lew, Mark Dacascos, Ted Benito, at iba pang kilalang pangalan sa industriya ng pelikula.

Unang binisita ng grupo ang Intramuros, kung saan ipinakita sa kanila ang San Agustin Church, isang UNESCO World Heritage Site, at Fort Santiago, na nagtatampok ng kasaysayan at sining ng mga Pilipino. Sunod nilang pinuntahan ang Binondo, ang pinakamatandang Chinatown sa mundo, na nag-alok ng kakaibang timpla ng kultura at tradisyon.
Layunin ng DOT na itampok ang Maynila bilang inspirasyon sa sining ng pelikula gamit ang isinagawang heritage tour sa mga Hollywood filmmakers habang itinataguyod ang Pilipinas bilang pangunahing destinasyon para sa global filmmaking.| ulat ni EJ Lazaro
