Higit sa 40 mga kabataan ang nabigyan ng kagalakan ng Department of Public Works and Highways Regional Office-9 (DPWH-9) sa selebrasyon ng Pasko.
Ang inisyatiba ay pinangunahan nina DPWH-9 Regional Director Cayamombao Dia at Assistant Regional Director Soray’yah Ibrahim.
Habang ang distribusyon ng mga regalo sa Pasko ay pinangasiwaan ng Right-of-Way Acquisition and Legal Division ng Kagawaean.
Ayon kay Director Dia, 22 mga kabataan mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD Reception and Study Center for Children sa Logoy Dyutay, Talon-Talon, at 24 mga kabataan naman mula sa Social Development Center ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa Sta. Barbara ang nagsalu-salo sa isang memorableng selebrasyon na punung-puno ng tuwa at kagalakan.
Handog ng DPWH-9 sa mga kabataan ang Bubble Show at mga laro na puno ng hagikhik at hiyawan.
Mayroon ding food carts na nagdudulot ng ice cream, hotdogs, at masasarap na pagkain.
Nakatanggap din ang mga kabataan ng mga loot bag, pajama, damit, at tsinelas na nagbigay ng karagdagang kasiyahan sa panahon ng kapaskuhan.
Ang inisyatiba ng DPWH-9 ay bahagi ng kanilang commitment na magpasaya sa mga taong hindi gaano pinalad at yaong nasa laylayan ng lipunan. | ulat ni Lesty Cubol | RP1 Zamboanga