Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng mga nagdaang bagyong Kristine at Pepito sa rehiyon.
Kahapon, nakapagpamigay ng nasa 1,217 Family Food Packs ang ahensya sa Barangay Daguit, Municipality of Labo, Camarines Norte, na nagkakahalaga ng PHP 864,070.00.
Nasa 1,794 na mga FFPs na nagkakahalaga ng PHP 1,273,740.00 ang naipamahagi na sa mga bayan ng Bula at Del Gallego, Camarines Sur.
Sa Sorsogon, nasa 870 na FFPs, na nagkakahalaga ng PHP 617,700.00, ang naipamahagi na sa mga apektadong pamilya sa bayan ng Gubat ng naturang probinsya.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng garantiya ng ahensya na magbigay ng tuloy-tuloy na relief assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo upang masiguro na sapat pa rin ang kanilang suplay ng pagkain. | ulat ni Paul Hapin | RP1 Albay