Nagbigay ng agarang tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region noong December 26 sa dalawang pamilya na apektado ng magkakahiwalay na insidente ng sunog sa Barangay Manzana, San Jose at Barangay Pinaglabanan, Goa, parehong nasa Camarines Sur. Ang mga sunog ay naganap noong December 24, araw ng Pasko.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), ang sunog sa San Jose ay dulot ng sirang electrical wiring, habang ang sunog sa Goa ay itinuring na sinadyang nangyari. Kasalukuyan pang isinasagawa ng BFP ang masusing imbestigasyon hinggil sa mga insidente.
Bilang tulong, tumanggap ang mga apektadong pamilya ng mga family food packs (FFPs) at mga non-food relief items tulad ng hygiene kits, family kits, kitchen kits, sleeping kits, at laminated sacks, na may kabuuang halaga na higit sa PHP 19,000.00. Bukod pa dito, makakatanggap din ang dalawang pamilya ng pinansyal na tulong sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng DSWD.
Sa kasalukuyan, pansamantalang naninirahan ang mga pamilya sa mga kamag-anak sa lugar. Wala namang naiulat na sugatan o nasawi sa mga insidente.
Sa pamumuno ni Regional Director Norman Laurio, patuloy ang DSWD Bicol sa pagbibigay ng agarang suporta sa mga komunidad na apektado ng kalamidad sa buong rehiyon, kahit na sa panahon ng kapaskuhan. | ulat ni Emmanuel Bongcodin | RP1 Albay