Isinusulong na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapatupad ng unified ID system.
Bilang tugon ito sa paglaganap ng pekeng persons with disabilities (PWD) identification cards (IDs).
Ang ID system ay web-based portal na may real-time updating at ID verification para sa mga negosyo, para matiyak ang integridad ng PWD identification.
Habang nasa proseso pa ang pagpapatupad ng unified ID system, hinihikayat ang publiko na iulat ang ano mang kahina-hinalang PWD ID sa National Council on Disability Affairs (NCDA).
Maaaring i-email sa [email protected] o di kaya ay sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO), o sa tanggapan ng law enforcement agencies. | ulat ni Rey Ferrer