Nagpaabot na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang binaha sa Davao Region dahil sa malalakas na pag-ulan dulot ng umiiral na Intertropical Convergence Zone(ITCZ).
Hanggang ngayong araw, nakapaghatid na ng higit kalahating milyong pisong halaga ng family food packs ang DSWD sa mga apektadong residente sa Davao Occidental.
Ayon kay DSWD Assistant. Secretary Irene Dumlao, may 739 pamilya o 3,158 indibidwal ang inilikas sa limang evacuation center sa rehiyon.
Aniya, may 157,339 family food packs at standby funds pang available ang field office para sa mga mangangailangan.
Apektado din ng ITCZ ang mga lalawigan ng Saranggani at Sultan Kudarat sa Region 12.
Nagpaabot na ng inisyal na tulong ang DSWD sa mga residente ng bayan ng Alabel sa Saranggani.
Tinayatang 400 pamilya o 1,600 indibidwal ang inilikas sa evacuation centers sa General Santos City, Alabel, at Glan sa Sarangani.| ulat ni Rey Ferrer