Sumampa na sa P10.7-M ang halaga ng humanitarian assistance na naipaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na naapektuhan ng mga pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon.
Ayon sa DSWD, kabilang sa nahatiran nito ng family food packs ang mga lalawigan sa Negros Occidental at Negros Oriental.
As of December 13, 2024, umakyat na sa higit 11,000 pamilya o 40,836 indibidwal ang naapektuhan ng Mt. Kanlaon eruption.
Nadagdagan na rin sa 4,456 na pamilya o katumbas ng 15,026 indibidwal ang pansamantalang nananatili ngayon sa 27 evacuation centers.
Una nang siniguro ng DSWD na may sapat itong stockpiles at standby funds kung sakaling matagal pa ang epekto ng pag-alburoto ng bulkan sa Negros. | ulat ni Merry Ann Bastasa