Nagsimula nang mamahagi ng pinansyal na tulong ang Department of Social Welfare and Development sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon.
Sa ulat ng DSWD Field Office 7, pinagkalooban na ng cash assistance ang 1,739 pamilya na nakakanlong sa Camps 1 hanggang 4 sa Canlaon City, Negros Oriental.
Bawat pamilya ay nakatanggap ng P3,000 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program.
Layon ng bigay na tulong na maibsan ang pasanin ng mga displaced family dahil sa idinulot na epekto ng aktibidad ng bulkan
Pagtiyak pa ng DSWD na magpapatuloy ang AICS Program sa pagsisilbi lalo na sa vulnerable communities sa panahon ng krisis. | ulat ni Rey Ferrer