DTI, FDA, naglabas ng babala ukol sa mga nauusong toy collectibles

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) at Food and Drug Administration (FDA) sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng mga toy collectibles, na nauuso ngayon sa merkado.

Ayon sa FDA, bagama’t idinisenyo ang mga toy collectibles para sa adult use o leisure, may panganib itong dulot sa mga bata, lalo na kung may maliliit at madaling matanggal na bahagi ang mga ito dahil maaari itong magdulot ng chemical exposure at choking hazard.

Ilang rekomendasyon naman ang ibinigay ng FDA upang maiwasan ang aksidente. Una, iwasang ibigay ang mga collectibles na may maliliit na bahagi sa mga batang edad tatlo pababa. Siguruhing gawa ang mga ito sa non-toxic at lead-free na materyales, at basahin ang label para sa tamang age recommendation sa mga nasabing laruan.

Para sa mga insidente ng safety issues, maaaring makipag-ugnayan sa FDA o DTI sa kanilang mga hotline o sa pamamagitan ng pag-email sa kani-kanilang tanggapan. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us