Hinimok ni Camarines Sur Representative Lray Villafuerte si Trade Secretary Cristina Aldeguer-Roque na mag-lobby sa United States Government upang maibalik ang nawalang duty-free status ng mga produktong ini-export ng Pilipinas sa US.
Sinabi ni Villafuerte, na dapat unahin ng bagong Department of Trade and Industry (DTI) Secretary ang pakikipag usap sa White House at US Congress, para maibalik ang pribilehiyong ito na ipinagkaloob noon ng dating administrasyon ni President Donald Trump, pero ito ay nag-expire na noong December 2020.
Binigyang halaga ng mambabatas, na kapag naibalik ang Generalized System of Preference (GSP), bababa ang landed cost ng mga produktong Pilipino sa US at magpapalakas ng export sector na magbubukas ng maraming trabaho.
Ipinaliwanag ni Villafurte na sa ilalaim ng GSP, higit 5,000 na produkto mula sa developing countries kabilang ang Pilipinas ang binigyan ng zero-duty access a US.
Dagdag pa niya, malaking tulong ang GSP upang makasabay sa exportation ang Pilipinas sa mga karatig bansa tulad ng Thailand , Indonesia at Cambodia. | ulat ni Melany Valdoz Reyes