Economic growth forecast ng ADB sa PIlipinas, napanatili sa 6% ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napanatili ng Asian Development Bank (ADB) ang economic growth forecasts ng Pilipinas ngayong taon sa 6% habang nasa 6.2% naman sa taong 2025.

Base sa 2024 Asian Development Outlook Report, hindi nabago ang kanilang pagtaya sa paglago ng ekonomiya sa nauna nilang forecast noong Setyembre.

Ang kanilang pagtaya ay parehas sa growth outlook ng economic managers kung saan ang gross domestic product (GDP) growth for 2024 ay inaasahang lalago sa 6%-6.5% habang nasa 6%-8% for 2025.

Ayon sa multi-lateral lender, kapwa itutulak ng household consumption and investment ang ekonomiya, samantalang may ambag din ang ilang sektor sa kabuuang paglago gaya ng services sector, construction, at manufacturing.

Nakikita rin ang patuloy na ambag ng government at private infrastructure sa GDP.

Kaparehas sa mga naunang pagtaya, inaasahang mananatiling second-fastest growing economy sa Southeast Asia ang Pilipinas kasunod ng Vietnam, at mas nauna naman sa bansang Indonesia, Malaysia, Singapore, at Thailand. | ulat ni Melany-Valdoz

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us