Ekonomiya ng Pilipinas, lalo pang lumalago dahil sa umaangat na infrastructure spending

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi halos naapektuhan ng isyung politikal ang patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa. 

Ito’y matapos lumago pa ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas sa pagtatapos ng 2024.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, umabot na sa ₱1.142-trillion ang infrastructure spending ng bansa, mas mataas ng 11.9 percent kaysa sa ₱1.021-trillion na naitala sa parehong panahon noong 2023 at 41.42 percent na mas mataas kumpara sa ₱807-billion infrastructure spending noong 2021.

Higit din na mas mataas ito kaysa sa January to September infrastructure spending noong  2020 na nasa ₱595-billion; 2021 na may ₱807.5-billion; at 2022, na nasa ₱911.6-billion. 

Ang halagang ito ay katumbas na ng 75.6% ng kabuuang alokasyon para sa infrastructure spending na nasa ₱1.510-trillion ngayong taon.

Una nang binigyan-diin ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na ang bansa ay on-track sa pagkamit ng growth targets nito na 5-6% infrastructure spending sa ilalim ng Medium-Term Fiscal Framework. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us