Aminado ang France Embassy to the Philippines na nababahala ito sa mga pinakahuling kaganapan sa West Philippine Sea.
Matatandaang kahapon, December 4 ay muling hinarass ng mga barko ng China ang mga barko ng Philippine Coast Guard at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources habang naglalayag ito sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Ayon sa Embhada ng Pransya sa Pilipinas, muli itong nanawagan na respetuhin ang UN Convention on the Law of the Sea at ang Freedom of Navigation.
Iginiit din ng nasabing embahada na tutol sila sa paggamit ng anumang pwersa na kontra sa international law at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagsasaayos ng mga alitan sa pamamagitan ng dayalogo.
Ipinaalala din ng France Embassy sa Pilipinas ang naging desisyon ng Arbitral Court sa nasabing isyu noong July 12, 2016. | ulat ni Lorenz Tanjoco