Ipinagmalaki ng Eastern Police District (EPD) ang pagbaba ng krimen sa Eastern Part ng Metro Manila.
Ayon kay EPD OIC PCol Villamor Tuliao, mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 6 ngayong taon, bumaba ang crime rate sa 84.2% kumpara noong nakaraang linggo, mula Nobyembre 23-29.
Sa pinaigting na operasyon laban sa mga wanted person, nakaaresto ang pulisya ng 62 katao.
Naging matagumpay din ang anti- illegal drug operations ng EPD na nagresulta ng pagkaaresto ng 60 indibidwal at pagkakumpiska ng iligal na droga na abot sa ng P1,775,250 ang halaga.
Nasa 38 katao naman ang naaresto sa illegal gambling at 5 ang nahuli dahil sa illegal possession of firearms.
Ngayong panahon ng kapaskuhan at nalalapit na 2025 National and Local Elections, mas papaigtingin pa ng pulisya ang kampanya laban sa anumang uri ng kriminalidad.| ulat ni Rey Ferrer