Pinunganahan ni First Lady Liza Araneta Marcos ang paglulunsad ng Walang Gutom Kitchen Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Dito ay mismong si FL ang nagsilbi at nagbigay ng pagkain sa mga benepisyaryo ng naturang programa.
Target ng walang gutom kitchen na tuparin ang pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na wakasan ang gutom sa bansa.
Dito ay gagawing foodbank ang nasabing kusina at bibigyan ng pagkain ang kahit sinong nagugutom.
Mangagaling naman ang pagkain mula sa mga restaurants hotel fastfood at iba pa.
Ayon kay DSWD Rex Gatchalian whole of nation approach ang ginawa nilang estratehiya para sa maa mabilis at mas maayos na implementasyon ng nasabing programa. | ulat ni Lorenz Tanjoco