Kasunod ng pagbubukas ng kauna-unahang food bank na Walang Gutom Kitchen, ay hinikayat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang bawat mamamayan na makiisa sa adbokasiya sa pamamagitan ng food donation o pag-volunteer.
Ayon sa DSWD, labis na makatutulong ito lalo sa bawat pamilyang dumaranas ng kakulangan sa pagkain sa araw-araw.
Sa bawat donasyon ng pagkain, mas marami aniyang pamilyang matutulungan na magkaroon ng sapat na pagkain sa kanilang hapag.
Maaari ring tumulong sa pamamagitan ng pagluluto o paghahanda ng pagkain sa Walang Gutom Kitchen.
Para sa donasyon o nais mag-volunteer, maaaring bumisita sa Walang Gutom Kitchen sa Nasdake Building, Pasay City o kontakin si Mr. Ramil Mapoy sa 0916-829-7202 para sa iba pang detalye. | ulat ni Merry Ann Bastasa