Naghahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa full rollout ng Ready-To-Eat Food (RTEF) packs sa taong 2025.
Sa DSWD Thursday Forum, sinabi ni Special Assistant to the Secretary (SAS) for Special Projects Maria Isabel Lanada na minamadali na sa ngayon ang procurement para makapagpreposisyon na ng ready-to-eat meals sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Prayoridad na mahatiran nito ang mga nasstranded na pasahero sa mga pantalan tuwing may kalamidad at mga nasusunugan.
Kukunin ang pondo sa Quick Response Fund ng ahensya.
Kasama sa inisyal na target ang 700,000 food packs.
Muli namang tiniyak ng DSWD na masustansya, masarap at maka-pilipino ang mga Ready-To-Eat Food packs lalo na at dumaan ito sa higit isang taong pananaliksik ng DOST-Food and Nutrition Research Institute. | ulat ni Merry Ann Bastasa