GDP growth targets ng bansa para sa 2024-2028, nirepaso ng economic managers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nirepaso ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang medium term macroeconomic assumption at fiscal program ng gobyerno para sa taong 2024 to 2028.

Sa pinakahuling pulong ng DBCC.. inaprubahan ng economic team ang gross domestic targets ng bansa bilang tugon sa emerging domestic at global developments.

Para ngayong taon, kumpiyansa ang DBCC na kaya pang makamit ang 6.0 to 6.5 2024 targets mula sa dating growth projection na 6% to 7%.

Para sa 2025, ito ay nasa 6% to 8% mula sa naunang 6.5 to 7.5% habang para sa 2026 to 2028 ito ay nasa 6% to 8% mula sa 6.5% to 8%.

Ayon sa economic managers ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.. ang growth assumption para sa 2025 to 2028 ay nilaanan nila ng mas malawak na bansa, para sa inaasahang epekto ng structural reforms at evolving domestic and global uncertainties.

Anila…nananatiling committed ang economic team sa pagpapatupad ng Philippine Development Plan 2023-2028, at ang bagong batas na Create More Act para suportahan ang paglago ng ekonomiya. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us