Global investment roadshow, ilulunsad sa susunod na taon para ipakilala ang CREATE MORE Act sa foreign investors

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang maglunsad ang Pilipinas ng global investment roadshow para sa Create More.

Ayon kay Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go, ang roadshow ay ilulunsad kapag natapos na ang implementing rules and regulations (IRR) ng CREATE MORE, sa Pebrero ng susunod na taon.

Paliwanag ni Go.. magkatuwang ang Board of Investment at Investment Promotions Agencies para sa roadshow sa iba’t ibang bansang may balak na mamuhunan sa Pilipinas.

Layon nito aniya, na maipaliwang sa foreign investors ang inaalok na investment sa Pilipinas at mga bitbit na benepisyo nito sa mga negosyante.

Target ng roadshow ang mga pangunahing investment hubs sa United States, Japan, South Korea at European Union.

Ang Create MORE Act ay nilagdaan ng Pangulo upang i-streamline ang insentibo na pinagkakaloob sa mga investors at gawing mas investor-friendly ang bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us