Government subsidy para sa PhilHealth, inalis sa bicam version ng 2025 national budget bill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pinaglaanan ng kongreso ng subsidiya para sa susunod na taon ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Binahagi ito ni Senate Committee on Finance Chairperson Senator Grace Poe sa pagsasara ng Bicameral Conference Committee meeting para sa panukalang 2025 national budget. 

Sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program (NEP), P74 billion ang inilaan para sa government subsidy sa PhilHealth. 

Ito ang inalis ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa inaprubahan nilang bicam version ng budget bill. 

Ayon kay Poe, isa ang budget ng PhilHealth sa mga naging contentious issue sa bicam. 

Aniya, mayroon namang P600 billion pang reserve fund ang PhilHealth at ito muna ang dapat na gamitin ng state health insurer. 

Kaya naman napagdesisyunan aniya ng bicam na sa mga sektor na lang na wala talagang pondo ilagay ang alokasyon para sana sa subsidiya ng gobyerno. 

Nilinaw naman ni Poe na mabibigyan pa rin ng operational fund ang PhilHealth. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us