Kinilala ng Government Service Insurance System (GSIS) ang mga lokal na pamahalaan na pinag-iingatang mabuti ang mga gamit ng taumbayan na ipinagkakatiwala sa mga ito
Ayon sa GSIS, sa pamamagitan ng Seal of Protection Awards nabibigyang halaga ang ginagawang paghahanda at pag-iingat ng mga opisina ng gobyerno sa mga gamit ng pamahalaan.
Dahil dito ay Gold Award ang naibigay sa mga lokal na pamahalaan ng Iloilo, Makati, Pasig, at Valenzuela para sa kanilang outstanding efforts sa pag protekta ng kanilang mga ari arian.
Silver Awards naman ang iginawad sa Aurora, Isabela; Davao de Oro; the Provincial Government ng Iloilo; Navotas; Puerto Galera, Oriental Mindoro; Solano, Nueva Vizcaya; at Tinambac, Camarines Sur.
Habang Bronze Awards ang nakuha ng Cabatuan, Iloilo; Caloocan; Davao del Norte; Lambunao, Iloilo; Malabon; Parañaque; Pasay; Passi, Iloilo; Puerto Princesa, Palawan; Quezon City; San Juan; Taguig; at Tarlac City.
Binigyan din ng GSIS ng special awards ang dalawang national agencies, ito ang Bureau of Treasury dahil sa pangunguna nito sa National Indemnity Insurance Program at pagsiguro sa mga mahahalagang kagamitan ng gobyerno.
Kinilala din ng GSIS ang Department of Education dahil naman sa Provident Fund na nagbibigay ng personal accident insurance para sa mga tauhan nito.
Umaasa si GSIS President at General Manager Wick Veloso na magbibigay ito ng inspirasyon sa lahat ng LGU at ahensya ng pamahalaan na bigyang halaga ang insurance coverage.
Giit ng opisyal na sa pamamagitan ng pag-iingat sa mga gamit ng pamahalaan ay pinoprotektahan narin nito ang ablidad na magsilbi sa bawat pilipino. | ulat ni Lorenz Tanjoco