Nagpaabot ang Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Field Office 5 – Bicol Region ng nasa P4.9-M livelihood assistance sa mga magsasaka at mangingisda na nasalanta ng bagyo sa rehiyon.
Ayon kay Disaster Response Management Group (DRMG) Assistant Secretary at Spokesperson Irene Dumlao, layon ng cash aid na matulungang makarekober ang mga magsasaka at mangingisda.
Sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP), ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P20,000 Livelihood Settlement Grant (LSG) sa bawat benepisyaryo mula sa coastal town ng Jose Panganiban, Camarines Norte.
“The provision of the LSG through the SLP is one of the DSWD’s ongoing commitments to empower vulnerable communities and strengthen economic resilience across typhoon-hit areas,” sabi pa ni Asst Secretary Dumlao.
Ang SLP ay isa sa pangunahing programa ng DSWD na nagbibigay ng livelihood assistance upang matugunan at maalalayan ang mga naapektuhang pamilya at indibidwal dulot ng kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa