Maligayang bagong taon ang bubungad sa ating bayang motorista matapos ma-monitor ng Department of Energy-Oil Industry and Management Bureau (DOE-OIMB) ang pagbaba sa presyuhan ng lahat ng produktong petrolyo.
Ayon kay DOE-OIMB Assistant Director Rodela Romero base sa kanilang 4-day oil trade monitoring, asahan na ang rollback sa:
Gasoline – rollback of (₱0.30 to ₱0.65)
Diesel – rollback of (₱0.30 to ₱0.55)
Kerosene – rollback of (₱0.80 to ₱0.90)
Paliwanag ng DOE, ang nasabing pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng mababang demand mula sa international market gayundin ang patuloy na over supply ng langis sa merkado. | ulat ni Lorenz Tanjoco