Patuloy ang pag-agapay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar sa Western at Central Visayas na nakaranas ng epekto ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon.
Ayon sa DSWD, aabot na sa ₱22-million ang halaga ng humanitarian assistance na naihatid nito sa mga apektadong residente.
Kabilang rito ang family food packs para sa higit 13,000 indibidwal na nananatili sa evcuation centers.
As of December 16 naman, umakyat pa sa higit 10,000 pamilya o 43,970 na indibidwal ang naapektuhan ng Mt. Kanlaon eruption.
Nananatili namang available ang nasa ₱2-billion stockpiles at standby funds kung sakaling matatagalan pa ang epekto ng pag-aalburoto ng bulkan sa Negros. | ulat ni Merry Ann Bastasa