Higit 11,000 kaso ng karahasan sa kababaihan, naitala ng PNP; Pamahalaan, tuloy sa pagpapatupad ng mga programang tutuldok sa VAW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pumalo sa 11,636 ang mga naitalang kaso ng karahasan laban sa mga kababaihan ang naitala ng Philippine National Police (PNP), mula Enero hanggang November 30, 2024.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni PNP Police Lieutenant Colonel Andree Abella, na mula sa kabuuang bilang na ito 11,522 ang maituturing na cleared na habang 7,025 ang solved o nalutas na.

“When we say cleared, at least one of the suspects is identified and a case has been filed; while when the suspect is arrested, case has been filed then it’s considered solved.” -Lt. Col. Abella

Sa panig naman ni Philippine Commission on Women (PCW) Chairperson Ermelita Valdeavilla, sinabi nito na isa mula sa limang kababaihan ang nakararanas ng sekswal, pisikal at emosyonal na pang-aabuso mula sa kanilang partner.

Ang nakalu-lungkot aniya, isa lamang mula sa 10 babae na naabuso ang nagsu-sumbong sa mga otoridad.

“It affects one in three women or an estimated 641 million individuals worldwide, which is more than five times the Philippine population. The 2022 national demographic and health survey conducted by the Philippine Statistics Authority revealed nearly one in five Filipino women have experienced emotional, physical or sexual violence at the hands of their current or most recent intimate partner. The men they loved and who vowed to protect them have become women’s primary source of fear.” -Valdeavilla.

Ibig sabihin, mas pinipili pa rin ng mga ito na manahimik, at sarilihin na lamang ang nararanasang panga-abuso.

“Let us unite with a renewed sense of purpose to break the cycle of violence through collective action, informed policies and deep community engagement, we can work towards a Bagong Pilipinas where every woman is seen, heard, lives free from fear, and is empowered to thrive in society. Together, we can make a difference. Let us all be united for a VAW-free Philippines. Sa Bagong Pilipinas, ayaw natin ng dahas.” -Valdeavilla.

Dahil dito, isa sa mga tinututukan ng pamahalaan, ang mga programa na magpapalakas ng kamalayan ng publiko kontra violence against women, magpapadali sa pagsusumbong, o pangangalap ng ebidensiya, at mga programa na pu-protekta at tutulong sa mga mabibiktima ng panga-abuso.

“We have the MOVE – Men Opposed to Violence and this is nationwide. We are dreaming to be able to make the next year campaign as something that is led by men where they will be the one to speak up and talk about how men can change and control their behavior.” -Valdeavilla. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us