Nakapagbigay na ng aabot sa P4.9 milyong halaga ng tulong pangkabuhayan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa may 245 na magsasaka at mangingisda sa Bicol Region, na nasalanta ng mga nagdaang bagyo.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, ang cash aid na ipinaabot ng ahensya ay upang makatulong na makarekober ang mga magsasaka at mangingisda.
Bawat benepisyaryo mula sa coastal town ng Jose Panganiban, Camarines Norte ay nakatanggap ng halagang P20,000 Livelihood Settlement Grant sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD.
Ang SLP ay nagbibigay ng livelihood assistance upang matugunan at maalalayan ang mga naapektuhang pamilya at indibidwal dulot ng kalamidad. | ulat ni Rey Ferrer