Mayroon nang inisyal na naitala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na higit 4,000 pamilya o 21,995 indibidwal na apektado ng mga ulan at bahang dulot ng shear line.
Ayon sa DSWD, karamihan ng mga apektado ay nagmula sa Bicol Region at Western Visayas.
Aabot na rin sa 44 pamilya o katumbas ng 657 na indibidwal ang inilikas sa evacuation center habang nasa higit 300 pamilya rin ang nakikitira muna sa kanilang kaanak.
Kaugnay nito, nakapagtala na rin ang DSWD ng isang bahay na labis na nasira bunsod ng shearline habang 10 ang partially damaged.
Nakahanda naman ang nasa higit ₱2-bilyong pondo ng DSWD para maghatid ng relief assistance sa mga apektadong LGU. | ulat ni Merry Ann Bastasa