Aabot na sa 259,000 ang mga pamilyang nakikinabang sa Walang Gutom Program (WGP) ng Department of Social Welfare and Developmeny.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, katumbas na ito ng 86.47% ng 300,000 target beneficiaries para sa anti-hunger program bago matapos ang 2024.
Mula ito sa 2,000 household-beneficiaries lamang noong nakaraang 2023.
Sa ngayon, lumawak na sa 22 lalawigan ang benepisyaryo ng programa sa 10 rehiyon sa bansa.
Layon ng WGP na mabigyan ng pagkain ang isang milyong food poor families pagsapit ng 2027. | ulat ni Merry Ann Bastasa