Nasa 452 na mga non-organic employees ng Kamara gaya ng security guards, janitors, dishwashers, at iba pang utility personnel, nakabenepisyo sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Bukod sa ₱10,000 na tulong pinansyal na natanggap, pinagkalooban din sila ng tig-10 kilong bigas mula sa Office of the Speaker.
Ito ay bilang pagkilala sa kailang kontribusyon sa maayos na pagtakbo ng gawain at maayos na pasilidad sa kamara.
Malaki naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo dahil unang beses umano sila nakatanggap ng ganitong tulong mula sa pamahalaan.
At malaking ginhawa anila ito ngayong holiday season lalo’t marami ang gastos.
“This activity recognizes the valuable contributions of said workers to the daily operations of the House, ensuring that all its facilities function at its best. Hence, it is only fitting that they too, experience and benefit from government programs, and are not left behind,” pahayag ng liderato ng Kamara. | ulat ni Kathleen Jean Forbes