Aabot na sa 4,452 indibidwal na nakaranas ng gutom ang nabigyan ng libreng pagkain sa Walang Gutom Kitchen ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ay mula nang ilunsad ang programa sa Pasay City noong Dec. 16 hanggang Dec. 24.
Nakatuon ang programa sa pagtulong sa mga pamilya sa kalye (Families in Street Situations o FISS) at iba pang nakararanas ng gutom, sa pamamagitan ng mga donasyon mula sa mga hotel, restaurant, at iba pang establisyemento.
Nagpasalamat naman si DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao sa buhos ng mga donasyon mula sa iba’t ibang grupo.
Pinuri rin niya ang mga boluntaryong naglaan ng kanilang oras, kahit sa panahon ng holiday, upang maglingkod sa mga benepisyaryo.
Ang Walang Gutom Kitchen ay bukas muli ngayonh araw, Dec. 26 hanggang 31 at pansamantalang magsasara sa Enero 1, 2025, para sa Bagong Taon. | ulat ni Merry Ann Bastasa