Inaprubahan ng Regional Project Advisory Board (RPAB) IX ng Mindanao Inclusive Agriculture Development Project (MIADP) kahapon ang ipinapanukalang Farm-to-Market Road sa bayan ng Dumingag sa probinsya ng Zamboanga del Sur.
Ang naturang proyekto na nagkakahalaga ng higit sa P25-M ay may haba na 1.48 na kilometro at mag-uugnay sa Brgy. Tamurayan at Brgy. Macasing sa nasabing bayan.
Inaasahang makatutulong ang proyekto sa higit sa 2,000 katutubong Subanen, mga magsasaka, at mga pamilya sa nasabing lugar.
Layunin ng FMR na gawing mas madali ang access at ilapit ang mga benepisyaryo sa iba’t ibang serbisyo sa mga komunidad at isulong ang paglago ng ekonomiya sa naturang bayan.
Ang MIADP na pinopondohan ng World Bank ay naglalayong mapalago at ayusin ang sektor ng agrikultura sa mga Ancestral Domain (AD) sa bahaging Mindanao. | ulat ni Justin Bulanon | RP1 Zamboanga