House Appropriations Chair, pinuri ang on time na paglagda ni PBBM sa 2025 National Budget

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ni House Appropriations Committee Chair Rep. Elizaldy Co si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang paglagda sa 2025 General Appropriations Act.

Giit niya na mahalaga na naisabatas ang pambansang pondo on time para maiwasan ang pagkaka roon ng reenacted budget.

Patunay din aniya ito ng commitment ng Kongreso na tiyaking naka-linya ang pambansang pondo sa pagkamit ng 8-point socio-economic agenda ng administrasyon.

Nagpasalamat din si Co sa mga kasamahang mambabatas sa Kamara at Senado sa pagtiyak na maaprubahan ang pambansang pondo sa tamang panahon.

Binigyang prayoridad sa P6.326-trillion national budget ang sumusunod na sektor:

  • Education: P1.053 trillion
  • Public Works: P1.007 trillion
  • Health sector: P268 billion
  • Agriculture sector (including DAR & NIA) : P237 billion

Sa pamamagitan nito ay mapapalakas ang social services, infrastructure development, at food security ng bansa. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us