Umapela si House Labor and Employment Committee chair Fidel Nograles sa pamahalaan na palakasin ang kapabilidad nito sa pagsasagawa ng labor inspection.
Kasunod ito ng pagratipika ng Pilipinas sa Labor Inspection Convention No. 81 ng International Labor Organization (ILO).
Kailangan aniya tiyakin na hindi lang basta isang piraso ng papel o dokumento ang Labor Inspection Convention No. 81 bagkus ay maipatupad ng tama para sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino.
Nitong nakaraang buwan ng Nobyembre ay iprinisenta na ng Pilipinas ang ratificatiin instrument sa ILO headquarters sa Geneva.
Inilalatag ng convention na ito ang global standards para sa isang comprehensive labor inspection framework.
Bukod sa mas pinabuti na labor inspection services kailangan din ani Nograles na palakasin ang kapabilidad ng mga labor inspectors na gampanan ang kanilang tungkulin.
“Our labor inspectors are not only enforcers, but also advisers providing guidance and technical expertise to organizations so that they may root out malpractices and other abusive conditions,” saad ni Nograles. | ulat ni Kathleen Forbes