House leaders, tiwala na malalagdaan ang 2025 budget bago matapos ang taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala si House Committee on Appropriations Vice Chair Jil Bongalon na malalagdaan pa rin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 2025 General Appropriations Bill bago matapos ang taon.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Bongalon na hindi naman buong budget ang ive-veto ng Pangulong Marcos kundi mayroon lamang specific line items.

Ayon naman kay Assistant Majority Leader Jude Acidre, sakaling lagdaan na lang ng pangulo ang GAA na may vetoed items, maaari naman itong magtalaga ng appropriations mula sa unutilized o hindi nagamit na pondo mula sa kasalukuyang taon.

Ibig sabihin, mayroon umanong standard mechanisms sa budget upang tugunan ni Pangulong Marcos ang fiscal requirements ng priority programs.

Hindi na rin nakikita ng mga mambabatas na aabot pa sa punto na i-o-override nila ang vetoed items lalo na kung ito ay para lang maibalik ang natapyas na budget sa Department of Education na handa rin nilang suportahan. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us