Tiyak na ang panibagong salary hike para sa may 1.8 milyong kawani ng gobyerno sa 2025.
Ito ang magandang balitang ibinahagi ni Committee on Civil Service and Professional Regulation Chairperson Kristine Alexie Tutor kasunod ng paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 2025 General Appropriations Act.
Nakapaloob sa pambansang pondo ang ₱1.757 trillion na alokasyon para sa personnel services.
Mas mataas ito kumpara sa nakaraang taon ng hanggang ₱273 billion para sa pagpapatupad ng ikalawang sigwada ng salary standardizarion law na magiging epektibo sa a-uno ng Enero 2025.| ulat ni Kathleen Forbes