Inihayag ni House Quad Committee Chair at Surigao Del Norte 2nd Dist. Rep. Ace Barbers nanantiling komited ang Joint Committee upang ipagpatuloy ang kanilang mga nasimulan.
Sa simpleng salo-salo sa media, ibinida ni Barbers ang kanilang mga nagawa na maituturing na unprecedent at makasaysayan bilang tunay na “House of the People.”
Aniya, bagama’t hindi alintana ang kanilang mga natatanggap na mga batikos at insulto, tuloy pa rin ang trabaho ng QuadComm sa kanilang pagsisilbi sa bayan.
Sa pamamagitan ng isinagawang magkakasunod na joint hearing, nadiskubre ang mga katotohanan at natukoy ang mga sangkot sa illegal na mga gawa sa bansa kabilangna ang extrajudicial killings, illegal drugs, iligal POGO operations at war on drugs.
Pinasalamatan din nito ang mga miyembro ng mga mamahayag na nagco-cover at sumusubaybay sa mga mahahabang hearing.| ulat ni Melany V. Reyes