Malaki ang pasasalamat ni 1PACMAN party-list Rep. Mikee Romero sa patuloy na mga sumusuporta sa kanilang Save-A-Heart Program.
Sa ikasiyam na taon ng kanilang programa, 2,000 kabataang Pilipino ang nagkaroon ng bagong buhay.
Aniya, ang bawat operasyon, bawat kwento ng pasasalamat, at bawat ngiti ng mga bata ay lalo pang nagpapatibay sa malasakit at pagkakaisa.
Isang salu-salo rin ang ginanap para sa mga batang benepisyaryo at kanilang pamilya, kung saan naabutan sila ng grocery packs at mga laruan. | ulat ni Kathleen Forbes