Isasara pansamantala sa daloy ng trapiko simula mamayang 11:00 ng gabi ang ilang pangunahing kalsada sa Pasay City bilang bahagi ng paghahanda para sa HOKA Trilogy Run 2024 na gaganapin bukas, Disyembre 8.
Kabilang sa mga apektadong kalsada ang Roxas Boulevard, Macapagal Avenue, Diokno Avenue, Seaside Avenue, Jalandoni Street, Sotto Street, at bahagi ng Buendia Avenue papuntang Ayala Avenue. Habang gagamitin din sa nasabing running event ang service road sa Roxas Boulevard mula Parañaque hanggang area sa Maynila patungong Mall of Asia.
Ang pagsasara ng mga kalsadang ito ay magtatagal hanggang alas-8 ng umaga bukas, Disyembre 8, upang masiguro ang kaligtasan ng mga kalahok at maayos na daloy ng aktibidad.
Pinapayuhan ang publiko na magplano ng alternatibong ruta upang maiwasan ang abala. | ulat ni EJ Lazaro