Ilang motorista, dismayado sa panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi maitago ng ilang motoristang dumaraan sa Marcos Highway sa Marikina City ang pagkadismaya dahil sa panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Sa pagtatanong ng Radyo Pilipinas sa ilang tsuper ng pampublikong sasakyan, sinabing mga ito sa mabigat na daloy ng trapiko na lamang nila nararamdaman ang Pasko sa halip na dagdag kita.

Ayon sa ilang Taxi driver, nakababawi na lamang sila sa “tip” na ibinibigay ng kanilang mga pasahero kahit pa tumaas na ang singil nila sa pasahe dahil calibrated na ang kanilang mga metro.

Pero dahil sa kakumpitensiya nilang TNVS, lugi pa rin sila sa gasolina lalo na kapag malayuan ang kanilang biyahe.

Sa panig naman ng mga jeepney driver, bawas na ang kanilang kita dahil sa matinding trapik kaya’t pabigat talaga sa kanila ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Nabatid na parehong ₱0.80 ang dagdag sa kada litro ng Diesel at Gasolina habang ₱0.10 naman sa kada litro ng Kerosene.

Ito na ang ika-4 na sunod na linggo na may taas sa presyo ng gasolina habang binawi naman ng taas-presyo sa Diesel ang dalawang rollback na ipinatupad nito sa mga nakalipas na linggo.

Ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau ang taas-presyo sa produktong petrolyo ay dahil sa mas mataas na power demand projection sa susunod na taon at nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us