Ilang mga senador ang nagpahayag nang hindi makakadalo sa ceremonial signing ng 2025 general appropriations act (GAA) sa December 30.
Kabilang na dito si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na may nauna na aniyang commitment sa petsang iyon gayundin si Senador Juan Miguel Zubiri na kasalukuyang nasa ibang bansa.
Nakatanggap rin aniya ng imbitasyon para dito si Senador Sherwin Gatchalian pero hindi siya makakadalo.
Una nang ipinahayag ni Zubiri na umaasa siyang naisaayos ng Malakanyang ang ilang mga kinukwestiyong item na isinumiteng pinal na bersyon ng Senado ng 2025 general appropriations bill o ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.
Ito ay para aniya maiwasan na makwestiyon sa Korte Suprema ang constitutionality ng pipirmahang 2025 national budget.
Kung sakali kasi ay madedelay nito ang pagpapatupad ng pambansang pondo para sa susunod na taon. | ulat ni Nimfa Asuncion