Iloilo International Airport, bukas na muli para sa mga flights ayon sa CAAP

Facebook
Twitter
LinkedIn
Iloilo Airport

Binigyang diin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na prayoridad nila ang kaligtasan ng lahat, at ito ang dahilan ng pansamantalang pagsasara ng Iloilo International Airport.

Ayon sa CAAP, naipaliwanag na nina Iloilo Airport Manager Manuela Luisa Palma, kasama ang Safety Officer, Engineering Team, and Passenger Terminal Building (PTB) supervisor ng CAAP kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang nangyaring temporary closure.

Giit ng CAAP, ang pansamantalang pagsasara ay dahil sa dalawang lubak na nadiskubre sa Runway 02 ng nasabing paliparan.

Ayon sa mga opisyales ng CAAP, patunay na ang nasabing desisyon ay pangako ng ahensya ng maayos at ligtas na airport infrastructure. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us