Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagtaas sa imbentaryo ng bigas sa bansa para sa buwan ng Oktubre.
Ayon sa PSA, naitala sa 2.46 milyong metriko tonelada ang kabuuang rice stocks inventory as of November 1, 2024.
Mas mataas ito ng 24.4% kumpara sa naging imbentaryo ng bigas na 1.98 MMT sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Mas mataas din ito ng 7.9% kung ikukumpara sa nakalipas na buwan.
Samantala, bumaba naman ang lebel ng imbentaryo sa mais na umabot sa kabuuang 619.16 na libong metriko tonelada.
May katumbas itong annual decrease na 20.6% at 14.9% kumpara noong nakaraang buwan. | ulat ni Merry Ann Bastasa