Impeachment complaint vs VP Sara Duterte, di napag-usapan sa Christmas fellowship ng mga mambabatas sa Malacañang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang linaw ngayon ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega na hindi kasama sa mga pinag-usapan sa ‘Christmas fellowship’ sa Malacañang ang isyu ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Ortega na taliwas sa mga espekulasyon, simpleng hapunan lang ang naganap sa Palasyo kasama ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Dito din aniya nila iniabot sa presidente ang manifesto of support at kopya ng pinagtibay na House Resolution 277, na naghahayag ng buong suporta ng House of Representatives para sa administrayong Marcos.

Nagpaabot naman aniya ng pasasalamat ang Pangulo sa suportang ipinakita ng mga mambabatas, at pinaalala na gawin lang ang kanilang trabaho.

Sabi pa ni Ortega, matagal nang naka-schedule ang salo-salo kasama ang pangulo. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us